Chapter 10

1851 Words

“Sinasabi ko sa’yo, Landy, wag kang FC, please lang,” bungad ni Fara kay Landy pagkarating niya sa bukid.   Mag-aalas siyete pa lang at kararating niya lang talaga nang sa bukana pa lang ay kumakaway na si Landy na tila ba hinihintay talaga ang kanyang pagdating. Ay ewan na lang talaga niya.   Nilagpasan niya ito pero agad din namang sumabay si Landy sa kanya sa paglalakad.   “Seriously? Galit ka na naman?” natatawang sabi pa nito.   Hindi niya ito pinansin at dire-diretso lang ang kanyang lakad papunta sa mga kasama na nasa may kubo at naglalagay ng kanilang mga gamit.   Lumapit siya roon at nilagay na rin ang kanyang gamit sa ibabaw ng kawayang upuan at saka doon siya umupo.   “Hey, may nagawa na naman ba ako? Fara…” kulit pa ni Landy na hindi niya lang ulit pinansin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD