“Mag-ingat kayo roon, ha, anak.” Tipid na ngumiti si Fara sa ama at tumango. “Oo naman po, tay. Tsaka ang lapit lapit lang noon,” sabi niya pa sa ama na alalang alala kinabukasan nang paalis na sila ni Landy papunta sa flower farm. “Basta, Fara, mag-ingat kayo,” segunda pa ng nanay niya. Alas otso na ng umaga at iniwan na nito si Bel sa bayad para magluto ng panibagong ulama kasi nagkaubusan. Tutulong pa dapat siya kaso dumating na naman si Landy para sunduin siya. “Landy, ang anak ko, ha,” sabi pa ng tatay niya kay Landy na nasa labas ng bahay nila at nakasandal sa motor nito. “Makakaasa po kayo Mang Kael. Iingatan ko iyan!” Nag-salute pa ito sa kanya. Napailing na lang si Fara. Kahit kalian talaga ang lalaking ito,e. Binalingan niya ulit ang mga magulang. “Sige na