(JANNA SANTOS' POINT OF VIEW) HUMINGA ako ng malalim dahil sa excitement na nararamdaman ko. Ito na ang araw na parehas naming inaantay ni Ice. Narito ako ngayon sa may dressing room at hinihintay ko na tawagin na lang ako para pumunta na sa simbahan. Hindi nga ako gumagalaw para 'di matanggal ang aking make- up at manatili akong maganda e. Dalawang katok sa pintuan ang nakakuha ng attensyon ko. "Kami 'to Jang..." narinig ko ang boses ni Janine at Elle. Bakit si Elle? Kumakanta kanta kasi siya sa gilid. Dinig ko agad ang sintunado niyang boses dahil doon. "Pasok!" sagot ko sa kanila para naman silang mga kabayo na pumasok sa loob ng kwarto at nagtitili- tili agad. Akala ko nga may riot dahil sa tili nila e. Hindi ko mapigilan ang magtakip ng tainga dahil doon. "OMG! OMG Jang-Yelo lov