(THIRD PERSON'S POINT OF VIEW) SAMANTALA halos kaladkarin na ni Liquid si Janna papasok sa isang maliit na parokya sa isang bayan ng Calasiao, Pangasinan. Pagpasok nila doon ay sinalubong sila ng isang pari na nabigla sa pagpasok ng isang makising na lalaki at isang babaeng naka-wedding gown. "Ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong niya sa kanilang dalawa. Ngumiti si Liquid dito. "Father, ikasal niyo na po kami ng babaeng mahal ko," ani ni Liquid sa kaniya at mas hinigpitan ang hawak niya kay Janna. "Nahihibang ka na, Liquid! Pakawalan mo ako!" sigaw ni Janna sa kaniya. "Babe, ano bang sinasabi mo diyan? Ikakasal na tayo, sinusumpong ka ba?" malumanay na tanong ni Liquid sa kaniya. Nang lumuwag ang hawak ni Liquid sa kaniya ay 'di na siya nagdalawang isip at tumakbo na siya pe