"Akala ko ba ayaw mong pakasalan ang kapatid ko? Bakit nandito ka na naman?" Dinig ko si kuya dito sa kusina. "Damn you, I'm with the gang," sagot ni Jake at dinig ko ang ibang tinig ng mga kasama nila. Nagulat pa sila ng makita ako dito sa condo ni Jake. Si Walter at may dalawa pa na hindi ko kilala. Kilala ko sa mukha ang isa pero sa pangalan hindi. "Hey, pretty," bati sa'kin ng isa. "Hello," maiksi kong pagbati. Tinuloy ko ang ginagawa kong pag-design sa cake. Napag-isipan ko kasi muling gawin ang ilan sa mga hobbies ko para kapag nasa pilipinas na ako ay may pagkaabalahan ako. "Dude, ang ganda talaga ng kapatid mo," dinig kong wika ng isa. Sinang-ayunan din ito nina Walter, except kay Jake. "Ikakasal na 'yan," sagot ni kuya. Napakunot naman ang noo ko. "Napilit mo na si