"Where are we?" tanong ko ng pinarada niya ang sasakyan sa labas ng isang mansyon. Hindi ko na napansin na iba na ang dinaanan namin dahil inaasar niya ako sa buong biyahe. Kalaunan natawa na lang din ako dahil sa panunukso niya sa'kin tungkol sa hormones na 'yan. "Hinding-hindi kita aayain para makipagsex no," masungit kong usal sa kaniya. Tumawa siya ng makahulugan sa'kin. "Hindi mo ako kailangang ayain. We'll make it every night," sagot niya. Pinamulahanan ako sa sinabi niya. "You're blushing, baby," tukso niya. "Tumigil ka na nga kasi, bawal tayo magtabi sa condo ni kuya no, galit siya sa'yo," wika ko na hindi ko pinag-isipan. Tumawa siya at mukhang natuwa sa sinabi ko. Mukhang satisfied. Bigla akong kinabahan habang papasok kami sa loob ng mansyon. Is it his parents home?