Chapter 10

1168 Words

Kanina pa nakabusangot si Ms. Smith pagpasok niya sa trabaho. Late na siya pumasok, marahil sa puyat at may hangover pa. O mainit ang ulo dahil hindi tumalab ang alindog niya kay Jake kagabi. Nangingiti naman ako habang inaayos ang mga files sa computer ko. Naalala ko pa kagabi ng i-hatid ako ni Jake. Tahimik lang kami pareho sa buong biyahe. Nakatingin lang ako sa may bintana ng sasakyan. Dinig na dinig ko ang mga buntong hininga niya. Ramdam ko din ang pasulyap-sulyap niya sa'kin. Pagdating sa tapat ng bahay ko ay saka lamang ako lumingon sa kaniya upang magpasalamat. Ngumiti ako ng bahagya bago tuluyang bumaba ng sasakyan niya. Nasa tapat na ako ng pinto ng maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. "Can I ask you out tommorow night?" tanong niya. Ngumiti naman ako at tumango.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD