Muli kong pinasadahan ang loob ng closet ko bago ko tuluyang sinara ang aking maleta. Kompleto na ang lahat para sa dalawang buwan na stay ko sa Singapore. May tatlong oras pa bago ang oras ng flight. Hindi naman rush hour kaya walang gaanong traffic. Hindi ako magagahol sa biyahe. Saktong palabas na ako ng silid ng marinig ko ang busina ng sasakyan sa labas. Nandiyan na ang taxi na ni-book ko upang maghatid sa'kin sa airport. Pinatay ko din ang aking phone at bibili na lang ng bagong simcard pagdating sa airport. Bahala na ang tadhana kung ano ang balak para sa'min ni Jake. Ilang buwan pa lang naman kaming magkakilala ni Jake, hindi gaya ni Joaquin na umabot ng limang taon kaya mas masakit. Nailing ako sa naiisip ko. Parang sinasabi ko lang ang bagay na 'yon upang kumbinsihin an