Chapter 12

1129 Words

Dumilat ako ng maramdaman kong may taong tila sobrang lapit sa'kin. Unang bumungad sa'kin ang mukha ni Jake na ilang dangkal lang ang layo sa mukha ko. Napasinghap ako at aatras sana pero wala na ako'ng aatrasan. Nakahinga ako ng maluwag ng lumayo ito. Mukhang tinanggal lang niya ang seatbelt ko. Inalalayan niya ako sa paglabas ng kotse niya. Natitiyak kong hindi ito ang bahay ko dahil nasa isang basement parking kami. 'Did he brought me to his place?' Gustong kong magtitili pero pinigil ko ang sarili. Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang pinakamataas na button. Nabalot ng katahimikan ng nasa elevator na kami. Hanggang ngayon ay wala pa ding imikan. Ayos na din ang ganito dahil hindi ko din alam ang sasabihin ko. Tinitigan ko ang repleksiyon niya sa dingding ng elevator.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD