Ilang oras akong tulala habang nagtratrabaho sa opisina. Hindi ko lubos maisip ang dahilan ni Adrian kung bakit niya ako iniwan ng gano'n lang sa bahay nila pagkatapos ng nangyari sa 'min. We should be okay, right? "Argh!" I groaned frustratedly and disheveled my hair. Binitiwan ko ang mga hawak kong papeles at pagod na sumandal sa 'king swivel chair. Nanatili ako sa gano'ng posisyon hanggang sa nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pintuan. "Come in," pormal kong sambit. Agad namang bumukas ang pintuan at dumungaw ang isang pamilyar na babae. Hindi ko naiwasan ang pagkunot ng aking noo habang nakatitig sa kalandian ni Adrian no'ng nandito pa siya. What is she doing here? Walang emosyon kong pinanuod ang paglalakad niya palapit sa 'kin. Bakas ang hindi niya pagiging komportable