Ang amoy ng kemikal ng ospital ang unang bumungad sa 'king pang-amoy nang nagising ako. Hindi ko pa man naimumulat ang mata ko ay ramdam ko na ang pagkilos ng isang tao sa gilid ko. "Dae..." Marahan kong iminulat ang mata ko at sumalubong sa kanyang malamlam na paningin. "Adrian," namamaos kong pagtawag sa mababang tono. "Why did you do that, Daeshaia?" mahinahon niyang tanong bagamat bakas ang pag-igting ng kanyang panga. I averted my gaze and bit my lower lip. "Ayaw kong sayangin ang mga ibinibigay niya sa 'kin." I looked back at him. He took a deep breath and shut his eyes tight. He distanced himself and disheveled his hair out of frustration. "Hindi mo man lang ba naisip ang sarili mo, Daeshaia? Paano kung hindi agad kita nadala rito? Paano kung wala ako ro'n? Paano kung—Adrian.