EINA'S POV Tumawag ng recess yung judge kasabay ng pagtawag niya sa dalawang counsel para pag usapan kung pwedeng maging ebidensya yung mga 'pictures' na nakunan ko sa bahay ni Jamilla. Louie, Iñigo, Celine, Liam, Stephen and I went for a quick lunch downstairs. Humabol sa hearing si Rizza kaya kasama na namin siya maglunch. Magulo at maingay pa rin si Iñigo, Nagkakailangan sila Louie at Liam at nakatulala si Stephen pero magkakasama parin sila. Siguro ganun talaga ang magkakaibigan. Kinuha ko yung kamay ni Stephen at ipinatong yun sa lap ko. Tumingin siya sakin and gave me this crooked smile. "Anong iniisip mo Stephen?" Tanong ko. Alam ko naman kung anong iniisip niya pero syempre diba? Ayoko namang sarilihin niya lang yun. Gusto ko mag share siya sakin. "Hindi ko alam na na depress pa