EINA'S POV /Eina. ./ Hindi ko na naiintindihan yung mga sinasabi ni James dahil naka focus lang ako sa mag ama ko. Ang sarap nila tignan na magkasama pero ang sakit sakit sa dibdib nung reality na hindi naman nila kilala ang isat isa. Kitang kita ko pa kung gaano kasaya si Steffi magmula sa pwesto ko eh. Ang lakas ng tawa niya pati yung nakikita kong kislap sa mga mata ni Stephen habang nakatingin siya sa anak ko.. Sa anak niya. /Ako nalang ang kukuha kay Steffi../ Pabuntong hiningang sabi ni James. Nakita ko siya sa kabilang side nila Stephen. Nakatingin din siya sa mag ama ko at sa akin. Hindi ko mahanap yung sarili kong boses kaya nag nod nalang ako. I swallow the lump on my throat and blink away my tears. Lumakad pa ako ng konti para marinig ko yung pinag uusapan nila. Tumalikod ak