"You're afraid of needles, right?" Ngumisi si Tornado sa akin, "I'm going to have a lot of fun watching you hurt."
Sinimangutan ko ang pinsan kong sadista habang hinuhubad ko ang shirt ko, ang tattoo artist naman ay abala sa paghahanda ng mga materyales na magagamit habang pinagbabasehan ang binigay ko sa kanyang mapa. "Shut up, Tornado. Sana kay Thunder na lang pala ako nagpasama."
Ngumisi siya at prenteng umupo sa may tabi ko, "it will really hurt, having a thousand needles pushed into your skin for your tattoo? Alam mo ba na marurumihan rin ang dugo mo? When that happens hindi ka na makaka-donate pa ng dugo." He shrugged.
"Wala akong pake." I scowled, "seriously Tornado? Pwede ka nang umalis. Hindi ka nakakatulong, at least palakasin mo ang loob ko hindi yong binibigyan mo pa ako ng rason para manghinayang."
Tumawa siya, "that's what I'm best at."
Pumwesto na ang tattoo artist na si Kuya Aldrox sa harap ko, "left or right hand?" Tanong niya.
"Right hand." Sagot ko naman, tumango siya at saka kinuha ang kanang kamay ko, may ginawa siya na para bang kinukuha niya ang measurements at tinatantsa ang mapa sa mismong kamay ko, matapos iyon ay may kinuha siya na needle p****r, basta yong pang-tattoo na.
"This will really hurt." Saad ng tattoo artist, ''may takot ka sa karayom, right?" Lumunok ako at saka tumango, "are you really sure about this, Cloud?" Tanong ni Kuya Aldrox, "once I start there's no turning back, mahahaluhan ang dugo mo ng tinta, at hindi mo na matatanggal pa ang tattoo not unless you laser it."
Tumango ako, "I can do it. No regrets."
He nodded, "then don't move a single inch, huwag magalaw, kung magalaw ka baka magkamali pa ako." Paalala niya, muli naman akong tumango at saka lumunok, mahigpit niyang hinawakan ang wrist ko at saka tumingin sa akin, "ang buong right hand mo ang malalagyan ng map tattoo. Ready, in three I'll push the needle, one... two..."
"Wait!" I shouted, ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko.
Tumaas ang isang kilay ni Kuya Aldrox, "bakit?"
Tumingin ako kay Tornado na nakangisi sa akin, "back out ka na? Wala kang balls." Pagbiro nito.
Kumunot noo ako, "masyadong mabilis ang countdown."
Umiling na lang si Kuya Aldrox, "okay, babagalan ko, in one... two... three..."
"f**k!" I cried when I felt the needle piercing through my skin, tila ba sinusugatan ang aking kamay ng maraming karayom, hindi ko maipaliwanag ang sakit, basta mahapdi, ugh it f*****g hurts! Si Tornado naman ay tila tuwang tuwa pa na nakikita akong nasasaktan na, "goddamn it ang sakit!" I groaned.
"Huwag magalaw." Utos ni Kuya Aldrox at hinigpitan ang hawak sa kamay ko, I nodded and tried to calm my f*****g soul, sa ibang gawi ako tumingin at hindi sa kamay ko. Pakiramdam ko mahihimatay ako kapag titignan ko ang kamay kong nilalagyan ng tattoo.
Muli kong naramdaman ang rumaragasang tusok ng karayom sa kutis ko, mariin kong kinagat ang babang labi ko para tigilan ang pagsigaw at paggalaw ng kamay kong nilalagyan ng tattoo, pinikit ko ang aking mga mata at inisip si Alisa, kinalimutan ko ang sakit na kasalukuyang dumadaloy sa kamay ko and it worked, all I thought of was Alisa, the beautiful Alisa I met a month ago. She was still clear and vivid to me. I felt my soul calm as a needle-like object pierced through my skin, one by one, every f*****g second.
Hindi ko na namalayan pa ang oras nang tumigil si Kuya Aldrox sa paglagay ng tattoo sa buong kanang kamay ko, basta nong tumigil siya ay pawisan ako, tumingin ako sa kamay ko kung saan nalagyan na ng mapa, the map that she left behind together with the words Chase me, Cloud.
"Your new tattoo is finished." Saad ni Kuya Aldrox. Tumango naman ako habang tinitignan ang namumula kong kamay na may mapang tattoo, "huwag mo masyadong igalaw muna ang kanang kamay mo. Huwag mo rin galawin mismo ang kutis mo na nalagyan or else the tattoo will smudge, fresh pa lang kasi siya. Let your arm rest for the mean time hangga't sa mawala ang hapdi nito, make sure not to carry heavy objects too."
I nodded.
"Your tattoo should have a symbol or meaning, what does that map on your hand symbolizes?" Takang tanong nito.
"Hindi ko alam, maybe clue? A guide? Memory? I don't know." I shrugged, tinitigan ko ang bagong tattoo sa kamay ko, si Tornado naman ay sinuri ring mabuti ang kamay ko. "I'll just give you a paycheck for this tattoo, Kuya Aldrox."
"Sure kiddo." Saad nito habang inaayos ang kanyang mga kagamitan, "ikaw na bahalang magbigay ng presyo. Okay?"
I nodded. "Alis na kami."
"Sure."
Kahit man na labag sa loob ko ay hinayaan ko muna si Tornado na magmaneho sa baby ko, bawal raw kasi na igalaw masyado ang kamay ko lalo't kalalagay lang ng tattoo, pinagmasdan ko lang ang tattoo ko sa buong biyahe, iniisip kung saang lugar kaya ang mapa na ito? Walang labels ang mapa, only lines, numbers, and all that. There's not even a name for the place. It's like a mystery, like Alisa.
I promised to find her when she's gone, I promised that. I'll keep it. Sisimulan ko na siyang hanapin after my arm heals, now that my family finally let me look for her after almost a month of talking it with them, trying to convince them. May tatlong taon akong palugit para hanapin siya, that's more than enough. After that I'll have to run half of my Dad's business.
Philippines is not that big, but what if I need to travel the whole world to be able to reach her? How can I even find her when the only clue she left was a map and a note?
Kinuha ko ang wallet sa bulsa ko at tinignan ang note na nasa may lalagyan ng litrato. Tumingin ako kay Tornado, "you think mahahanap ko siya?"
"Hindi e."
Kumunot noo ako, "wow, way to encourage me."
He smirked and nodded. What a cousin. "Ano kaya magiging reaksyon nina Tito Cassandro at Tita Jicelle kapag malaman nila na nagpa-tattoo ka? Ipaputol kaya iyang buong kanang kamay mo? Si Ice nga nong nagpakulay ng buhok halos pakalbuhin na. So excited to see their reactions."
Natigilan ako at lumunok, "hindi nila gagawin iyon. Isa pang pananakot Tornado papauwiin na kita sa Villanueva."
Tumawa siya, "wow pinsan, huwag kang harsh. Pasalamat ka sinamahan kitang nagpa-tattoo e si Kuya Thunder abala sa chikababes niya, huwag kang mag-alala after three days babalik rin kami sa Villanueva, haha, syempre mamimiss ko na naman na makita kang nasasaktan."
"Hindi ka naman nakatulong. Tinakot mo lang ako kanina. At mabuti naman kung ganoon, sawa na akong makipagsalamuha sa isang sadista kong pinsan, si Thunder matatanggap ko pa siya."
Nagkibit balikat si Tornado at tinuon na lang ang atensyon sa kalsada, ang sakit sa mata na makitang minamaneho niya ang baby Ford ko, damn this Tornado, mukhang enjoy pa siya sa pagpapatakbo sa baby ko. Grr!
~*~
"Tita, Tito." Pagbati ni Tornado sa mga magulang ko, ngumiti naman sila at tumango, nasa porch sila at mukhang hinihintay kaming dalawa para magsimula nang kumain, mula sa pintuan ay nakita ko ang kapatid ni Tornado na pinsan ko rin na si Thunder na nakatayo, kasama niya si Ice na agad namang tumingin sa kamay kong nakatago sa likod ko. Tumaas ang isang kilay niya na tila ba nagtataka kung bakit ko ito tinatago.
"Hello, Tornado, pasok na kayo, let's eat lunch." Sabi ni Papa.
"Actually kailangan niyong makita ang kamay ni Cloud." Tornado smirked. f**k you Tornado. Ugh, malalaman lang rin naman nila.
Sinimangutan ko siya at agad na tumingin kina Papa at Mama na halata ang pagtataka sa mukha, "ano ang meron?" Tanong ni Mama.
Si Thunder naman ay tahimik lang na tila ba alam na niya kung ano iyon, syempre nagpasama ako sa kanya pero sinabi niya na si Tornado na lang dahil may lakad siyang date kanina, so that's how I ended up with my sadist cousin na tinakot lang ako. Alam niya kasi na may phobia ako sa needles, good thing I overcame it with the memories of Alisa.
Unti kong pinakita ang kanang kamay kong sinakop ng mapang tattoo, nanlaki ang mata ni Mama at si Papa naman ay kumunot noo, "bring a chainsaw." Saad ni Papa, "cut off my son's arm!"
Tumawa si Tornado sa naging reaksyon ni Papa. "First, Ice dyed his hair, now my son have a tattoo?" Histerikal ni Mama. "Huwag chainsaw, maybe something to peel off his skin, ah, a peeler!"
Hindi ako nakagalaw, are they for real?
Tinago ko agad ang kamay ko sa likod ko, maybe Tornado was right all along, they will surely want to cut off my arm, "Papa, Mama, don't even try. May rason siguro si Kuya kung bakit siya nagpa-tattoo."
"And what is it?"
Tumingin si Ice sa akin na tila ba hinihintay ang sagot ko. Lumunok ako. "Basta."
"Walang basta basta! Kung walang chainsaw for sure may peeler sa kusina!" Tugon ni Papa.
Oh s**t.