Isang buwan at kalahati na ang lumipas na wala siyang balita kay Rafael,nag aantay siya lagi ng tawag nito pero ni isang beses wala siyang natanggap,ang huling tawag lang nito ay sinabi nitong may pupuntahan silang malayo pero walang signal.. Nag alala na siya pumunta pa siya ng mansiyon para lang magtanong-tanong duon kung nakauwi naba ito nanlumo lamang siya ng sinabi sa kanya ng matandang katulong na sabhin daw sa kanya pumunta ito ng america at may aasikasuhin duon. Ang sama ng loob niya ng malaman niya ito,hindi man lang nagpaalam sa kanya na pupunta na pala ito ng america.. Isang buwan siyang nag antay na tawagan niya ngunit ni isa wala siyang natanggap.Kahit masama ang pakiramdam niya lagi pinilit niyang makibalita sa mansyon lagi siyang pumupunta duon,lagi din ganun ang sinasabi