PINING "I'm sorry." there. Nasabi ko na. Kanina pa dapat eh. Pero kasi, sabi nga ni Klarisse, palipasin ko muna. So yon, hinintay ko munang tapusin nya yung concert nya bago ko sya lapitan. Tumingin lang sya sa akin kaya pinagpatuloy ko na lang yung pagmomonologue ko. "Alam kong ang b*tch ko dahil sa sinabi kong yon sa'yo. Hindi mo deserve yon. Inaalala mo lang ako. I'm really sorry, Maybelle. Okay lang sa akin kung sasampalin mo ako ngayon or sasabihan ng hindi magandang salita, tatanggapin ko yon dahil alam kong deserve na deserve ko yon." sabi ko pa sa kanya. Pero tulad kanina, nakatingin lang sya sa akin. Fudge, galit pa rin sya. Hindi pa rin humuhupa yung galit nya dahil sa nangyari kanina. Dapat pala mas naghintay pa ako. "Uhm. I'm really sorry at naiintindihan ko kung ayaw mo n