“HA? Nasa mall kayo ni Eden? Bakit hindi mo ‘ko niyaya?” ang medyo nagtatampong ani Caden sa dalaga nang tinawagan ito sa cell phone. “Hindi ka naman nagsabing gusto mong lumabas tayo ngayon, ah,” tugon ni Nikki. Napabuntong-hininga siya. Nakikinita na lang niya ang ekspresyon sa mukha nito. Kahit halos wala silang tulog ng dalaga kagabi ay gusto niya pa rin itong makasama. Kaya lang ay nagpumilit itong umuwi kaninang umaga kaya inihatid na niya ito. Magdadalawang buwan na sila at hindi pa rin sila nagsasawang magniig halos gabi-gabi. Puwera na lang kasi kapag sinabi ni Nikki na kailangan nitong pumasok sa punerarya dahil marami na rin itong inaasikaso. Naintindihan naman niya dahil kahit siya ay busy na rin sa sariling trabaho. “Sige, susunod na ako riyan. Isasama ko na rin si Zander