ALENA: Itinapon ni Fabio ang hawak na baso na may laman na alak. Tatlong araw matapos ang pagdiriwang na naganap dito sa mansion. Lumapit ako habang ito naman ay nakasandal sa swivel chair at nakatakip ng mahahabang daliri ang nakakunot nitong noo. "Mahal." Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga at saka inayos ang itsura. Tinanggal ang kamay na nakatabon sa mukha at pilit na pinakakalma ang sarili. Nakangiti ito sa akin at dahan dahan akong hinila papunta sa kandungan niya. Nilingon ko pa ang pira pirasong bubog na nagkalat sa sahig at lumingon muli dito. "Don't mind me." Sabay hugot muli ng malalim na pag hinga. "Masiyado lang akong na pressure sa trabaho." Hinaplos ko ang kanyang mukha. Alam ko na ang totoong ikinagagalit nito at wala siyang maitatago sa akin. "Mah

