He’s here all along? I haven’t seen him even his shadow. Ang buong akala ko, wala s’ya rito dahil mas nauna s’yang umalis sa simbahan kanina. Wala ring ka ide-ideya ang tatay n’ya dahil ilang oras na s’yang sinubukang tawagan since may wedding event pa sanang mga ganap noon sa wedding reception hall. And now, nandito lang pala s’ya? Tapos iniimbitahan n’ya ako sa kuwarto n’ya? I don’t think so. Pinagantay n’ya ang mga bisita kanina. There’s no way na tatabi ako sa kan’ya sa iisang kuwarto. “Is that so? He wants me to sleep with him?” Nginitian ako ng hilaw ng staff. “Opo, ma’am. Pakibilisan na lang po dahil nagaantay po si Master.” I just smiled at her. “Okay, mauuna ka na. Susunod ako.” Sumangayon sa ‘kin ang staff. Nang tumalikod na s’ya sa ‘kin, doon ko sinara pabalik ang pinto ng