ANGHELISHA DEMORGON “I’ll see you around. Labag sa loob mo ang kondisyon na nais kong mangyari kaya't pagbibigyan na lang kita.” Diniin ko pa lalo ang mga bagang ko nang kinitdatan ulit n’ya ako habang pinupunasan ang dugong tumutulo sa ilong n’ya. Bago pa s’ya maka-kilos, humakbang na agad ako palayo hanggang sa nilagpasan ko na s’ya. Gigil na gigil akong pumasok sa driver seat. Nang maka-upo ako roon, marahas kong binagsak ang pintuan. Humarurot ako palayo sa lugar na ‘yon dahil pinainit ng Ryujin ang ulo ko. Parang summer na summer na sa village na ‘to dahil sunod-sunod na tumaas ang dugo ko. Nang makarating na ako sa mans’yon, tahimik kong pinark ang sasakyan sa garahe at binalik ang susi sa key holder. Lumakad na ako palabas at tinungo ang hagdan paakyat ng mansyon. Habang tina

