"Kung sasabihin ko, magagalit ka lang. Pinilit n’ya akong dalhin ang bulaklak na ‘yan,” kalmadong tugon ko. “There’s a card.” Nakita kong may hinawakan s’yang red card na naka-kabit sa ilalim banda ng stem ng isang rose. Tinutok n’ya ang pagtingin n’ya roon at naningkit pa ang kan’yang mga mata. “For Anghelisha… Love, Ryū…jin…” Binasa n’ya pa talaga ang nilalaman ng card. “FŪCK!” At nilukot n’ya iyon. Hindi ko pa inasahan ang susunod n’yang gagawin dahil gigil na gigil n’yang pinagkakagat ang mga petals ng rose saka marahas na dinudura sa kung saan. Hindi lang ‘yan, paulit-ulit n’ya n’ya pang pinaghahampas sa manibela at umugong pa tuloy ang pagbusina ng kotche. Kumalat sa front seat ang petals at ang iba, nahuhulog na rito sa backseat. “That fuckìng son of a bìtch!” At tuluyan

