“Sinong nasa labas sweetheart?” “Si Vency at may mga kasama sila.” “Ano na naman ba ang ginawa niyang bata na yan? Baka babae na naman sweetheart?” “Hindi honey, anak ni Matthew Mondragon ang kasama nila.” Magkasunod na bumaba sila nang mataas na hagdan. “Uncle, pasensya na kung na isturbo kayo ni Auntie.” “Ayos lang Vency, at ikaw naman iha magpahinga ka muna. Honey ikaw na muna ang bahala sa kaniya.” “Ahm, uncle maaari po ba na huwag ninyong mababanggit kay Papa, na naririto ako sa inyo.” “Sa bagay na yon ay huwag mong alalahanin.” “Vency doon tayo sa library, isama mo ang bodyguard mo.” “Alam na ba ng kapatid mo ang tungkol dito?” “Hindi pa po Uncle.” “Anong plano mo kay Ayesha? Sigurado nag aalala na ang ina at ama ng dalagang yon.” “Ikaw na po ang bahala Uncle, tinulunga