Halos mag isang buwan na ang lumipas at kahit paulit ulit na isipin ni Andrea ang tamang desisyon ay iisa ang kasagutan. Ang linsanin ang bahay na pag aari ng mga Montemayor. “I’m sorry, brother pero kailangan na nating umalis dito.” “Ate, ano ba kasi ang nangyari sayo sa bansang England? Bakit ayaw mong ipaalam kay Chairman or kahit sa akin?” “Sorry, brother hindi pa ako handang mag kwento sayo. At sa mga Montemayor ay wala naman akong mukha na ihaharap pa sa kanila. Siguro sa ngayon ay kailangan ko muna ang lumayo. Pag nakahanap ako ang magandang trabaho ay pag iipunan ko ang lahat ng nagastos nila sa akin at nag maibalik ko sa kanila.” “Paano ang pag aaral ko, ate” “Ipagpapatuloy mo, pero kailangan natin pareho ang magtiis pansamantala. At hindi rin tayo maaaring magkasama ng luga