Three months later…. Halos takbuhin niya ang hagdanan marating lang ang ikalawang palapag. Nang matanggap ang text messages mula sa kapatid ay hindi na niya tinapos ang meeting. Agad na umalis at umuwi ng mansyon, malaki ang takot sa kaniyang dibdib. At pagdating niya sa kwarto ni Andrea ay nanghina siyang napaluhod sa carpet. “Baby! Oh God! F*ck! Malakas niyang sigaw. Talagang iniwan na siya ng kaniyang mag-ina. “Vince!” “Mommy! Wala na sila...ahh! s**t!” sigaw siya nang sigaw. Ngunit may mga bisig na yumakap sa kaniya. “A-anak, pakiusap huminahon ka. Kahit naman umalis sila ng mansyon ay nariyan lang naman sila sa malapit. Gusto lang ni Andrea na bumukod, siguro para makapag-isip. Isa pa tama rin naman siya dahil hindi kayo kasal para manatili siya rito sa mansyon.” Hindi siya nak