Madaling araw na ay hindi pa rin siya dalawin ng antok, hindi mawala sa isipan ang ginawa sa kaniya ng binata sa loob ng bar. Ang isa pa ay nag aalala siya sa kaniyang bestfriend. Hanggang ngayon ay wala itong paramdam sa kaniya. Napaka imposibleng hindi nito nakilala ang lalaking walang pakundangan na basta na lang siya dinala sa labas. At yon ang gumugulo sa kaniyang sistema. Kahit paano ay kilala na niya si Sheryl, at nakakaramdam siya ng kakaibang kaba. Napabalikwas siya ng bangon ng mag ingay ang alarm clock sa gilid ng kaniyang higaan. Nagmamadaling bumangon at muntik pa siyang mapasubsob dahil nakakaramdam ng hilo. Maaaring dahil kulang siya sa tulog kaya gano’n. “Ate, wala ka bang pasok?” habang nakatayo siya sa labas ng kwarto ng kapatid. “Meron at nagbibihis pa ako.” “Okay,