Napalibutan na nga mga tao at police ang paligid ng naaksidenting mga sasakyan. Halos nanghina si Luke, na nakita nito na may duguan sinakay sa ambulance. Hinanap nito si Wai, ngunit wala itong makita, halos mabaliw na si Luke, kahahanap kay Wai. "Luke." Tawag ng isang babae na nasa likuran nito. "Wai, agad na tumakbo si Luke, papalapit dito niyakap niya ng mahigpit si Wai, akala niya hindi na niya ito makikita pa. "Ok ka lang ba wala bang masakit sayo?" Sunod-sunod na tanong nito, at tiningnan ang buong katawan nito. Walang galos ito. Bago pa man umabot si Wai sa truck kanina ay nakabig na nito ang manobela para makaiwas dito, at ang sumalpok na sasakyan ay ang sasakyan ng taong humahabol sa kanya. Agad na tiningnan ni Wai kung sinno ang sakay ng sasakyang iyon. Nagulat sila ni Luke