"Ma, aalis na tayo dito, kukunin na kita, ipapagamot na kita." Ani Wai sa ina at inalalayan nitong palabas na sa bahay na iyon kung may utang man ang ina nito sa may-ari ng bahay na iyon ay handa siyang bayaran. Hindi na niya kayang makita pang nahihirapan ang kanyang magulang sa edad nito, ay dapat magaan at masagana ang buhay nito. Nakarating sila sa bahay na inuupahan nila. "Ma, ngayon din po lilioat na kayo ng bahay, ipapagamot ko kayo, at hindi na kayo magtatrabaho pa." Ani Wai. "Talaga, Ate?" Biglang sulpot ni Xen sa pintuan at narinig nito ang sinabi ni Wai, nagulat naman si Luke sa biglang pagsulpot nito. "Oo, kaya ayusin niyo ang mga gamit ninyo iyong mga kailangan at mga importante lang ang dalhin ninyo." Sabi naman ni Wai. Nagmamafali namang nag-empake si Xen ng kanyang mga