"Liza?" Ulit ni Harold, ngunit tinakpan lang ni Liza ang kanyang mukha dahil nahihiya ito, unang araw nito ay kapalpakan na ang kanyang ginawa. At ito pa ang kanyang magiging boss. Dasal na lang niya na sana matunaw na lang siya sa mag oras na iyon. "S-sory." Tangging nausal ni Liza dahil sa ginawa niyang kahihiyan. "Its okay." Seryosong sagot ni Harold. Parang ibang haraold ang kaharap ngayon ni Liza, mas seryoso na ito kaysa Harold na nakilala niya noon, mas naging matured pa ito. Dinala siya nito sa isang room at nilapag siya sa isang bed na naruroon. Tiningnan ni Harold ang bahagi ng kanyang katawan na tumama kanina nong bumagsak siya. "Sir, okay lang po ako kayo ka na ito." Sabi ni Liza dahul nahihiya siya. "Huwag kang malikot." Seryosong sabi ni Harold, at pinagpatuloy nito ang