Dahil sa gulat nila Luke at Wai, sa nakita nila kay Devora ay agad pinahawak ni Luke kay Wai, ang bata at nilapitan nito si Devora. "Bakit anong nangyari?" Pag-aalalang tanong ni Luke dito. "Luke, nasa bansa na siya." Ani Devora, kunuha ni Luke ang cellphone ni Devora at tiningnan nito ang caller at may mensahe pa ito na hindi pa nababasa ni Devora. "Halika umupo ka muna." Ani Luke at inalalayan niya ito para umupo. "Kukunin ko ang number mo, papalitan ko ang number mo para hindi ka na niya matawagan pa. Alam kong sinundan ka niya dito, kaya ako nagdagdag ng mga bantay mo para masisigurong ligtas kayo ni baby." Mahabang paliwanag ni Luke. "Salamat Luke." Ani Devora. "Huwag kang mag-alala pinapangako kong hindi ka niya masasaktan pa." Ani Luke. "Ayaw ko ng bumalik pa sa kanya." Umii