Nahimasmasan si Wai, kaya agad niyang naitulak si Luke. "Sorry." ani Luke lay Wai. Alam naman ni Wai, na hindi ito sinadya ni Luke. Kitang-kita naman ni Wai na panay ang ngiti ni Liza kaya pinandilatan niya ito. Halos gusto ng sugurin ni Xekie, si Wai ngunit pinigilan ito ng kanyang mga kaibigan at baka magkagulo lang doon. "Ang landi talaga ng babaeng ito." sambit ni Xekie, na halos gusto ng kumain ng taong buhay. "Hayaan mo muna masisira ang plano natin kung gagawa ka ng eksena ngayon." sabi ng kaibigan ni Xekie, kaya medyo kumalma muna ito. "Humanda ka sa akin mamaya banta nito. Plano nitong patamaan sa bulo mamaya si Wai, ngunit ang hindi nito alam ay varsity ito no'ng college sa valleyball. Nagsimula na ang laro nasa harapan sina Luke at Harold. Magaling din ang kanilang mga ka