BH 50 "GINA, kape," aniya nang tumapat siya sa mesa ng kanyang secretary. Tumingin ito sa kanya at malamang nagtataka na sa tanghaling tapat ay magkakape siya. Sumasakit lalo ang kanyang p********e sa mga kakulitan ni Phoenix. The nerve with that man for ruining her stance. Tumuloy siya sa loob ng kanyang office at sa kanyang mesa. Naupo siya sa silya at napatunganga. Pero sa pagtunganga niya ay ngumiti siya. Bakit sa halip na mabwisit siya dahil sa pagsira nun sa bulaklak na padala ni Lennox ay kinilig pa siya? Sira ulo na rin siguro siya. Sumandal siya sa upuan at pumikit. Kulang siya sa tulog at sana pala ay hindi na siya bumuhat para pumasok. May meeting kasi siya kanina sa Vzoom kaya napilitan siyang mag-asikaso. Nakapikit pa rin siya kahit na narinig niya ang pintuan na bumukas