BH 27 PAGKATAPOS niyang makikain sa bahay nila Aldo ay inihatid siya ni Phoenix papunta sa labasan. Nag-aamok na naman ng away ang mga babae roon dahil mukhang mga lasing na, pero hindi siya pumapatol sa lasing kaya hindi na lang niya pinansin. Kung hindi mga lasing iyon, lalaban siya. Isa pa, halos kaladkarin na siya ni Phoenix, maialis lang sa lugar na yun. "Kumusta ang meeting mo sa labas kanina?" Tanong ni Phoenix sa kanya habang naglalakad sila, hawak nito ang kamay niya. "Yung pag alis ko?" "Oo, yung kasama mo yung bading," natatawa nitong sabi kaya napakunot-noo siya. "Bading? Wala akong kasamang bading." "Ah manliligaw mo pala yun." "Excuse me? Sinong sinasabi mong bading? Si Joaquin?" Tumawa ito sa tanong niya, "Hindi ba?" "H-Hindi…" aniyang hindi rin sigurado sa pagkata