BH 46 GABI na. Kandahaba na ang leeg ni Paige sa paghihintay kay Phoenix. It's her third night and last night at his house because tomorrow, she'll be back to her own place and he'll be back to his normal life again. Maayos-ayos na si Phoenix. Mabilis na iyong kumilos at maigagalaw na kahit paano ang mga braso nang mabuti. Galing sila sa duktor kahapon, kasama nila si Aldo dahil araw naman ng Sabado at wala iyong pasok. Pwede na raw bumalik si Nix sa trabaho. "Ang tagal naman!" Naiinis siyang napaupo sa papag at pumangalumbaba. Nagpapabili lang naman siya ng paminta ay napakatagal na. Nasa kwarenta minutos na siguro yung nawawala. Sabi nga ng Nanay niya noong bata pa siya kapag natatagalan siya sa tindahan sa pagbili ng suka o toyo, tapos ay napalaro na pala siya, nadagan na raw siya