BH 44 NAKATANAW lang si Paige sa loob ng sasakyan nang mag-upisang magsalita ang sheriff gamit ang isang megaphone pero nang hindi na niya iyon makita pa ay bumaba siya. Kaagad naman na nakasunod si Medz sa kanya, dala ang kanyang payong. Now, her bodyguards are attentive, carrying armalites and pistols. "Am I not provoking war, Medz?" Malungkot na tanong niya sa baklang kaibigang matalik. "Ikaw nga ang inaway," natatawang sagot nito sa kanya. "Magkakaroon lang ng survery sa buong kalupaan na kinatitirikan ng mga bahay niyo. Walang intensyon ang may-ari na manggulo sa inyo o pag-umpisahan ito ng away," anang sheriff. Isa-isang nagsipaglabasan ang mga tao kaya naman pumorma ang ilang mga pulis na naroon, nakaabang at nakahanda, suot ang mga helmet at mga shield. "Narito po ang mga s