BH 42 HINDI matatahimik si Phoenix hangga't hindi niya nalalaman ang totoo. Hindi iiyak si Paige sa pagtitimpi ng galit kung hindi iyon nasaktan sa labas kanina. At wala namang ibang gagawa ng ganun kung hindi ang mga datihan lang. Busy na ito sa kusina niya, kung may kusina man siyang matatawag talaga. Naglilinis ito ng mga pinamili. "Penix, Paige?" Tawag ni Luning ning sa dalawa kaya sabay sila na napalingon sa may pintuan. "Tuloy po, Nanay Ning!" Si Paige ang sumagot. Pumasok naman ang may edad na babae. "Nagluluto-lutuan kami, Nay," sabi niya kaya natawa yun. "Pasaway kang bata ka. Tutulungan ko si Paige na magluto. Humakbang iyon at hinarap ng dalaga, nakangiti pero napansin niya na maga ang mukha nito. Hindi masyadong halata pero dahil tinititigan niya, nakikita niya ang mala