Chapter 57: Finale Naniningkit ang mga mata ko habang tumitingin sa daan. Umiikot din ang aking paningin dahil sa dami ng nainom kong alak. Pagewang-gewang ako pero umaalalay si Dom sa likuran ko habang naglalakad. Muntik pa akong matumba pero agad din niyang hinigpitan ang paghawak sa akin. “Be careful, Baby,” rinig kong sabi niya. Masayang natapos ang celebration namin. Maayos na umuwi ang mga katrabaho ko, samantalang ako, parang iniikutan ng mga planeta. Hindi ko talaga kayang sumabak sa inuman. Wala sa sarili akong ngumiti. Tumingala ako at idinikit ang aking hintuturo sa labi ni Dom. Malandi ko ‘tong ibinaba papunta sa dibdib niya at napakagat-labi. Lalong lumapad ang ngiti ko habang pinagmamasdan siya. Hindi ako makapaniwala. Para akong nakakakita ng isang napakaguwapong anghel.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


