Chapter 30 “F*ck!” malutong na mura ko pagdating sa hotel. Marahas akong napapadyak sa sahig dahil sa sobrang inis. Nakakagigil ang babaeng ‘yon. Hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng loob niyang insultuhin ako samantalang wala naman akong issue sa kanya. Todo puri pa naman ako sa isip ko kung gaano siya kaganda tapos may gano’n pala siyang pag-uugali. “S*x toy, huh?” sarkastikadong sabi ko sa sarili. Nilibot ko ang tingin sa paligid para hanapin si Dom. Natanaw ko siya na lumabas sa kuwarto at ngayon ay palapit na sa akin. Natigil ako nang salubungin niya ako ng yakap. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa balikat ko at huminga ng malalim. “Dom? Okay ka lang ba?” tanong ko at niyakap rin siya. Inangat niya ang kanyang mukha. Naramdaman ko ang labi niyang dumampi sa aking

