Chapter 14 UNTI-UNTI kong minulat ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Dom. Bumungad sa harapan ko ang mukha niyang nakangiti. Nakatayo siya tabi ng kama at mukhang may kung anong damit na hawak. Nilahad niya ito sa tapat ko. “Good morning, prepare my breakfast,” bati niya. Agad akong bumangon at kinuha ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na isa itong contrast lace maid costume. Sa sobrang ikli nito ay baka mangalahati lang sa hita ko. Lumabas na siya ng kuwarto. Naiwan ako rito na nababalot ng matinding kaba sa mangyayari. “Kaya mo ‘to, Con,” sabi ko sa sarili at huminga ako ng malalim. Paglabas ko ng kuwarto ay dumiretso ako sa bathroom. Binuksan ko na ang shower at tumapat dito. Napapikit ako habang inaaalala ang ginawa ko kahapon. Hindi ito natuloy dahil medyo nad

