CHAPTER 08
"SINCE women's month sa susunod na buwan, bakit hindi tayo mag-feature ng mga kilalang women personalities na may ambag sa iba't-ibang field? It will boost our magazine sales. Let's try inviting Hidilyn Diaz for an exclusive interview."
Eloisé heard it all but chose to walk inside the conference as if she didn't interrupt her team's ongoing brainstorming. Nakita niyang nakatitig lang sa kanya si Teresa at gano'n din sina Gabby at Leslie.
Xenon, the owner of Infinite Magazine, is eyeing the sales graph, showing fluctuations in the last three months instead of minding her intrusion. Pero alam ni Eloisé na alam nitong siya ang pumasok at gumambala sa nagaganap na brainstorming.
It's not being rude of her. She gives the same dose to Hazel, who's disrespectful to her since day one.
"What do you think of her suggestion, Eloisé?" tanong ni Xenon sa kanya habang nakatingin pa rin sa graph.
"Cosmos is already doing that and they set to released it next week. It's a little earlier yet they got the anticipation of the mass." Iyon ang tugon niya na umani ng malalim na buntong-hininga lamang. They're doomed, and Eloisé's head is still killing her. "I need your approval for the confetti order I made the day before yesterday. It's our client's request."
"Did you have the PO with you?" Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at inabot na sa kanyang boss ang folder na hawak. "It's approved. Let's think of a better magazine edition, team. Ayokong matalo tayo ng Cosmos."
"The event in Cebu, we can published that and I have the green light from our client."
Humarap sa kanya si Xenon at malawak itong ngumiti. "I knew you're a gem, Eloisé. I'm really glad that you chose to be here with us instead on Paris." Gusto niyang ngumiti kaso masakit talaga ang kanyang ulo dahil pa rin sa hangover. "Tapos na itong meeting. If you need anything, nasa opisina ko lang ako."
Iyon lang at iniwan na sila ni Xenon. Pare-pareho silang nagkatinginan sandali bago nagkanya-kanya ng kilos. Teresa walked passed through Hazel and approached her.
"How did you get the green light?" tanong nito sa kanya.
"Si Franz mismo ang tumawag sa akin at sinabi niya na puwede natin ilabas sa magazine natin ang gaganaping event sa weekend." Kinuha niya ang folder na iniwan ni Xenon at kinipkip iyon. "Are we okay na ba sa flight tickets and hotel accommodations?"
"It's done na," tugon ni Teresa. Parehong nalipat ang tingin nila kay Hazel na basta na lang lumabas at mukhang alam na niya saan ito tutungo. "Alam ko na agad na hindi niya matatagalan ang presensya mo, girl."
"Not my fault." Si Eloisé naman ang umalis at lumabas sa conference room.
Nakasuot pa rin siya ng sunglasses upang hindi na lalo sumakit pa ang kanyang ulo. On the way to her cubicle, she saw Hazel yelling at Xenon. Alam niyang tungkol iyon sa kanya at lahat naman sa kumpanyang pinagta-trabaho-an niya ay alam na malaki ang inggit nito sa kanya. Isang bagay na hindi naman niya masyadong pinapansin.
Bago naupo sa kanyang swivel chair, sinilip niya muna ang text message na pumasok. The first text message is from Ethan and the second one is from her grandmother.
Blind date na naman. . .
Binalewala niya ang text message ng kanyang lola at binalikan iyong mensahe ni Ethan. Eloisé realized one thing about Ethan. Hindi talaga ito basta-basta sumusuko kaya kailangan na niyang tapatin ito. Abala siyang tao at walang oras na makipaglokohan dito.
The saddest truth about her life is that she's too busy to date someone better than Bryce.
Malalim siyang huminga at tinuon na sa trabaho ang kanyang buong atensyon.
NILAPAG ni Ethan sa harap niya ang dalawang pirasong paracetamol. Isang dahilan upang agad siyang tumingin sa binata naka-kunot ang noo. Eloisé agreed to meet him to personally paid her debt a while ago. Iyon kasi ang sabi nito sa text at bilang ayaw niya na may utang, pumayag siya na kitain ito sa isang restaurant na lagi niyang pinuputahan.
"Para saan ito?" tanong niya sa binata.
"For your headache." Eloisé's eyes rolled and she has nothing to worry about because it's covered by a black sunglasses. "Hindi ka pa rin magaling at kaya ka naka-shade ay para hindi tamaan ng liwanag iyang mga mata mo."
Bakit ba masyadong observant ang isang 'to? tanong niya sa isip.
Doon sandali niyang binalikan ang mga naging pag-uusap nila sa reception kahapon. Those meaningful one only. Iyong mga may halong kalokohan at pambobola, minabuti niyang huwag na balikan upang protektahan ang kanyang sarili.
"Look, I enjoyed your company last night. Hindi ko sukat akalain na pinsan mo iyong bago ng ex ko at we could called it a coincidence, right?"
"Nag-enjoy din naman ako na kasama ka kagabi. You talked sensibly even if you're drunk. Gaya noong nasa Paris tayo -"
"Do not mention it. . . please?" Ethan grinned widely. Hindi gusto ni Eloisé ang reaksyon na iyon ni Ethan at tingin niya'y walang patutunguhan itong pag-uusap nila ngayon na maganda. "I'll be direct, okay?" Tumango si Ethan at inabangan lamang ang susunod niyang sasabihin. "Wala akong oras sa 'yo. Kung ano 'man ang nangyari sa atin sa Paris, it remained there at hanggang doon lang lahat. Again, I am busy. . . and still not open for anything that involves a matter of a heart. Go find somebody else you can pester."
Wala na pakialam si Eloisé kung ma-offend ang lalaki sa mga sinabi niya. Iyon naman kasi ang totoo at pagkatapos ng lahat, hindi pa niya makita ang sarili na nakikipaglokohan ulit sa lalaking gaya ni Ethan. He's a nice guy, yes. But she's not that ready to open her heart for anyone.
"That's too direct. . ."
"Sinabihan na kita." Nilikom niya ang kanyang gamit saka tumayo. "I'm going now. It was nice to meet you again. . . this could be the last."
Eloisé has many things she must do and is being pulled in several directions with no lead. And the last thing she wanted was not another broken heart.
"You're just hurt," ani Ethan sa kanya.
"Maybe, but that's my decision, Ethan. Let's not meet again. Huwag mo ako pansinin kahit na magkasulubong tayo. Huwag ka rin umasa na may kahulugan iyong nangyari a year ago. It's just a one night stand that I wanted to forget now. . ."