Chapter 19

1078 Words
CHAPTER NINETEEN ELOISÉ texted Ethan immediately and asked him to meet her at the back of the restaurant where they at now. May hinihintay pa silang tao na may role rin sa gagawaing mall nila at 'di puwedeng magsimula hangga't wala ito. It's a chance for Eloisé to have a talk with Ethan before the meeting start. “Wala pa naman si Miss Lopez, 'Ma, magbanyo muna ako,” paalam niya saka pasimpleng tumingin kay Ethan. She knew he saw her text message. Sinenyasahan niya ito ngunit wala itong ginawa kaya naman malalim siyang huminga't tinuloy ang plano na magbanyo. After relieving herself, she went out and breathed some fresh air. Eloisé is frustrated, not because of the meeting, but because of the dinner where Sancho was invited by her mother. Hindi niya alam paano kung paano magsasabi na 'di siya makaka-punta. Naisip niyang magpanggap na may sakit ngunit masyado siyang kilala ng kanyang pamilya. And acting sick is a very lame reason. “Miss Lopez is already inside,” pukaw na salitang agad na nagpalingon sa kanya. “What do you want us to talk about?” “Mom invited Sancho at home later,” “And?” “You told the guy that we're dating! Siyempre kailangan natin panindigan iyong sinabi mo kay Sancho.” “Are you ready to bring this to the next level?” Hindi siya nakasagot. Hindi naman kasi iyon ang dahilan bakit niya ito pinadalhan ng mensahe kanina. She wanted to come up with a plan but Ethan is not on the cooperating mode. “I guess you're not. Tara na loob at naghihintay sila.” Mas lalo siyang hindi nakapagsalita dahil sa sinabi ni Ethan sa kanya. Walang nagawa si Eloisé kung 'di sumunod sa loob. Nakita niya ang gulat sa mukha ng dalawang kapatid niya nang mapansin ng mga ito na magkasunod silang bumalik ni Ethan sa loob. But she's Eloisé, and she chose to ignore them. Tinuon niya ang buong atensyon sa meeting at presentasyon ni Ethan at buong team nito. Eloisé's family was in awe and all excited to start the mall development as soon as possible. Natapos ang meeting na lahat ay nagkakasundo pero hindi nawala ang siyang iniisip ni Eloisé. Mas lalong tumindi ang kaba niya nang magpaalala ang kanyang ina bago sila maghiwa-hiwalay. Her brothers went to their usual place while she chose to visit Dean's café. Doon naabutan niya ang pinsan na may kausap na customers. Nakita rin siya nito at sinenyasan na pumunta sa lounge na paborito niyang tambayan. “Tapos na ang meeting niyo?” tanong ni Dean pagpasok sa lounge. May bitbit itong pagkain at inumin na nilapag sa kanyang harapan. “Tita invited me and Teresa over dinner later. Pupunta raw ang kababata niyo.” “That's my problem,” pag-amin niya sa pinsan. “Si Ethan, sinabi niya kay Sancho na boyfriend ko siya.” “Ah, hindi pa ba kayo? Teresa told me you're dating that architect now.” “Hindi ko na alam.” “Hindi mo alam kung ano kayo?” Pinukol niya ng masamang tingin si Dean ngunit imbis na matakot ito'y tumawa lamang. “Try being honest with yourself, cousin. Kapag ginawa mo iyan, mababawasan ang stress mo.” Makahulugan iyon at hindi mawari ni Eloisé kung ano nga ba ang ibig sabihin noon. Hindi pa ba siya totoo sa kanyang sarili? May kulang pa ba na kailangan niyang gawin upang hindi ma-stress? Ang nga ba iyong kulang? Nakakainis naman, bulong niya sa isipan. MATAMANG nilakad ni Eloisé ang daan pabalik sa bahay ng kanyang mga grandparents. She wanted to appreciate the sceneries by walking around until she reached the store where the claw machine was located. May nakita siya roon na naglalaro at hindi siya maaaring magkamali. It was Ethan and he's busy playing along with the other kids. “Dili nimo makuha ang oso kuya!” Narinig niyang sigaw ng isang bata. “Chill ka lang diyan. I can do this,” sambit naman ni Ethan at halatang pinipigilan ang sariling huwag mapikon sa mga batang kasama. Dinidiktahan kasi ito ng mga batang kasama ngayon na siyang naglagay ng ngiti sa kanyang mga labi. Ethan used his natural Cebuano accent which Eloisé finds unique and a little funny. Nasabi sa kanya ni Ethan na tubong Cebu talaga ito at sa pangangalaga ng tiyahing amerikana lumaki. Ang sinabi nitong tiyahin ay siyang magulang ng mga pinsan nitong sina Jeanine at Uno. And if she becomes Ethan's girlfriend, liliit ang mundo nila ni Bryce at asawa nitong si Jeanine. Ayaw naman niya na magkasira ang magpinsan na malamang nangyari na matapos na kontakin siya ni Bryce noong nakaraan. But she blocked her ex and never communicated with him. In fact, she's busy battling with herself right now instead of regretting her decision of letting Bryce go. Malalim siyang huminga at umiling. Hindi iyon ang dapat niyang iniisip ngayon. It's almost dinner and she's expected to attend it with or without Ethan. “Eloisé!” tawag na nagpalingon sa kanya agad. Nakita niyang pinukaw din ng tawag na iyon ang atensyon ni Ethan na nanalo na ng teddy bear. The call came from Teresa who's with Dean and both of them were walking hand in hand. “Kanina ka pa nakatayo diyan?” tanong ni Teresa sa kanya. “Ah, no, kayo? Papunta na kayo sa bahay?” “Yeah, and Sancho cancelled last minute. Pero tuloy pa rin ang dinner kaya heto kami papunta na roon.” Nakita niya na sinipat ni Teresa ang gawi ni Ethan. “Magkasama kayo? Why?” “Elle, look what I've got for you,” ani Ethan saka inabot sa kanya ang teddy bear na nakuha nito sa claw machine. That gives Teresa an idea, making her friend smile widely and tapping her shoulder. “W-wait I can explain. . .” aniya ngunit hindi na siya hinayaan ni Teresa at basta na lang itong lumapit kay Dean. Iyong pinsan naman niya'y nagkibit-balikat lang at tuloy-tuloy na lumakad kasama ng kanyang kaibigan. “Dean, Tere. . .” “Marami akong nagamit na coins diyan,” pag-yayabang pa ni Ethan. “Magaling pa sayo ang mga bata,” tukso niya rito saka kinuha na iyong teddy bear. “Sasama ka ba sa akin to meet my parents?” “That was fast. I'm going to meet your parents.” “Korni mo naman Architect Ethan Matthews!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD