CHAPTER TWENTY-FOUR "WHAT'S wrong ba with Architect Matthews? Mabait siya at nakuha niya loob ni Tito pati ng mga kapatid mo," iyon ang mahaba at may pagtatakang tanong ni Teresa kay Eloise. Kasalukuyan silang nasa mall na ginagawa ng team ni Ethan. The engineers were there, taking phone call instructions from Ethan who's MIA since that night in his unit happened. Nasagot naman ito sa mga email niya pero kapag personal text messages na, walang nakukuhang reply si Eloise. Malakas tuloy ang kutob niya na sumuko na ito at hindi na nga siya kukulitin na dapat ay ikasiya niya. Ngunit hindi iyon ang nararamdaman ni Eloise ngayon. She's questioning everything now. Simula doon sa pagpapakita niya ng awa nang malaman ang nangyari sa mga magulang nito. She knew she shouldn't done it. She's in th