Chapter 54 Nang dahang dahan na idinilat ni Marzena ang mga mata niya ay agad bumungad sa kanya ang nakakasilaw na liwanag kaya naman agad din niyang ipinikit sandali ang mga mata at nang makapag-adjust na siya ay saka niya mas nilakihan ang pagkakadilat niya. Ilang beses pa siyang kumurap-kurap upang masanay ang mata niya sa liwanag. Unang nakita ni Marzena ang maganda at kulay asul na ulap. Napakaganda nitong pagmasdan, itinaas niya ang isang kamay niya animo inaabot niya ang mga ulap. She wanted to hold those, it’s so mesmerizing. It calms her. Looks like problems don't exist in this place. Dahil nakataas ang kamay ni Marzena ay napansin niya ang suot niya. She is still wearing the clothes she wears in Duellum. Walang nagbago doon, kahit na ang mga sira at ilang dumi o mantsa nito

