Chapter 18
Kione is a Prince? As in prinsipe? Kaya ba ganoon na lang igalang ng lahat si Kione dahil sa title of nobility nito. Bakit parang siya lang ang hindi alam ang bagay na iyon.
Nakakahiya ka Marzena.
Kione is a prince of Mordecai, pero kung umasta siya dito ay parang kilalang-kilala na niya ito. Kaya pala ganoon na lamang ang reaksyon ng mga tao sa palasyo ng saluhin siya kanina ni Kione.
What if, malaman ni King Theoden ang kahangalan niya at parusahan siya. Lalo na't nakita at na subaybayan sila ng ibang Dark Guards na kasama nila, kung paano siya gabayan nito sa pag-akyat, kung paano siya nito saluhin tuwing nabubuwal siya, sa pagpunas niya sa pawis nito tapos ang ginamit pa niya na pangpunas ay yung ginamit din niya at hindi iyon mamahalin, at panghuli ay yung ginawa nitong paghalik sa gilid nang labi niya.
"f**k. I'm dead." She whispered to herself.
Really dead.
"What are you saying?"
Nagulat pa siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip niya ay hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya ang lalaki. Nakakunot ang noo nito sa kanya at halata ang pagtataka sa gwapong mukha nito.
"What are you saying?" Ulit nito sa tanong nito kanina.
"Ah.. a-ano wala iyon. Wag mo akong pansinin." Aniya at marahan pa na tumawa. Kung may nakakakita man sa kaniya na iba ay tiyak na kanina pa siyang napagkamalan na baliw.
"Okay." Anas nito at nagkibit balikat na lamang sa kanya.
Umiwas na si Marzena ng tingin sa lalaki. Sana talaga hindi siya isumbong nang mga Dark Guards. Para hindi na ulit mangyari ang mga ganon na pangyayari ay nagpasya siya na iiwasan na lang niya ito. Tama iyon na lang ang gagawin niya. Iwasan ang lalaki hanggang sa magsimula ang Duellum, tiyak na madali lang iyon para sa kanya.
After how many hours ay nasa Ward 10 na din sila. Mabilis lang nila natapos ang ibang wards dahil medyo bumilis na ang takbo nang sinasakyan nila at mukhang hindi rin plano ng Council na magtagal ang mga kalahok sa mabababang wards.
Malapit na sila sa Ward 11 nang huminto ang sinasakyan nila pati ang ibang sasakyan ng mga nauuna sa kanila. She doesn't have any idea why they stop, basta sumunod na lamang siya sa kung anong nangyayari.
"Marzena? Come here..." Someone call her. Nang tingnan niya ay si Seam lang pala ang tumawag sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya at hinatak siya pero bago pa man siya hatakin nito ay may malakas na kamay ang humawak sa baywang niya dahilan para mabitawan siya ni Seam.
"Don't touch her." Madiin na sabi ni Kione. Madilim ang mukha nito animo hindi nito nagustuhan ang nakikita nito.
Mabilis na humingi si Seam ang ng tawad at yumukod kay Kione. "S-Sorry po, Sir Kione."
Marahan na inalis niya ang kamay nito at hindi ito pinansin sa halip ay binalingan niya si Llyr na pinapanood lang sila sa isang gilid na tahimik na nakatingin.
"Come with me, Llyr." She said. Habang sinasabi iyon ay ni hindi niya tinatapunan ng tingin ang binata na nasa harap niya. Kita mula sa gilid nang mata niya ang paggalaw ng panga nito animo lalo lang ito nagalit. Alam niyang wrong move ang ginagawa niya dahil lalo lamang nagagalit ang lalaki pero desidido siya sa plano niya na iwasan ito at iyon ang gagawin niya.
Maliksi na lumapit sa kaniya ang bata at humawak sa laylayan nang suot niya na gown. Halata na natatakot din ang bata kay Kione kaya naman agad niya ito inakay at hinitak naman niya si Seam na namumutla na sa kinakatayuan nito dahil sa mga matatalim na titig ni Kione.
"Damn it! f**k! f**k! Marzena, come back here! Don't f*****g hold that f*****g man!" Narinig niya na sabi nito. Pero hindi niya pinansin ang sinabi nito sa halip ay dire-diretso lang ang lakad nilang tatlo nina Seam at Llyr.
Nang makalayo sila sa lalaki ay rinig na rinig ni Marzena ang ginawang paghinga ni Seam. Hindi niya napansin na hindi na pala siya humihinga habang papalayo sila sa harap ni Kione at nang tuluyan lang sila nakalayo ay dito lamang siya nakahinga nang maluwag.
"Woah! Akala ko katapusan ko na 'yun ah." Anito habang nakahawak pa ang dalawang kamay sa dibdib nito.
"Why did you call me?" She asked.
Seam glanced at her. "Well. You need to take a shower and change your gown. Lahat nang mga kasama ninyo ay naghahanda na."
Marzena nodded and looked at Llyr. Tahimik ang bata sa tabi niya, pinapanood sila.
Marzena took a deep breath. "How about her? Hindi ko siya pwede iwan, Seam." She said while looking at Llyr.
Seam took a deep breath. "Don't worry ako na ang bahala sa susuotin niya. Kukunin ko na lang ang nakahandang susuotin niya sa stylist na naka-atas sa kanya," Seam replied. "Baby girl, saang ward ka galing?"
Llyr looked at Seam. "Ward 17 po, Kuya."
Pinigilan ni Marzena ang sarili sa matawa sa paraan ng pagtawag ni Llyr kay Seam. Bigla umasim ang mukha ni Seam dahil sa sinabi ni Llyr.
"Ano ka ba baby girl, Ate ako hindi Kuya." Anito sa bata.
Pagtataka ang makikita sa mukha nang kausap nito. "Po? Pero lalaki ka po. Ang pogi mo nga po e." Nakangiting sambit nito. Llyr is really a kid. So innocent.
Dahil doon ay hindi na napigilin pa ni Marzena ang sarili na humagalpak ng tawa. She laughed, loudly. Napapatingin na din ang ilan na malapit sa kanila.
"Ayaw ko na nga." Anito halata na may inis sa boses nito, hindi lang nito mapagsabihan ang bata. "Ikaw naman pumasok na kayo doon sa may pinto na mayroong Ward 15 na nakasulat at maligo na kayo nang makulit na bata na 'yan." Seam says before walking away.
She holds Llyr's little hand. "Let's go. Bye Kuya." Pang-aasar niya dito saka mabilis na naglakad papalayo sa lalaki. Rinig na rinig niya ang reklamo nito na siyang ikina-iling niya.
Tahimik na hinanap nila Marzena ang sinabi ni Seam na pinto. Kapag may nakakasalubong sila na ibang ward ay sinalubong niya ang mga iyon ng malamig na titig niya. She doesn't want to be fake anymore. If she feels like what she wants to show, she definitely will show that to them. Ayaw niya maging plastic sa mga ito. And I'm not plastic. Tsk!
Nakakapagod din kasi. Magiging mabait ka sa kanila tapos gagaguhin ka lang din pala. Well, mabait naman siya sa mabait sa kanya at masama siya kapag masama din ang pinapakita sa kanya.
"Ate, ayon. Ayon yung pinto!" Llyr says, happily.
Nauna na doon ang bata at hintay siya sa may kalakihan na pinto. Mabilis pero maingat siyang lumakad papalapit sa pinto nag-iingat na hindi siya matapilok muli.
Laking pasalamat niya nang maayos niya narating ang pinto. Binuksan niya ang puting pinto at bumungad sa kanila ang malinis at ang malaking silid.
Wow. This room is huge just for her.
"Ang ganda..." Humahanggang sabi ni Llyr. Hinubad nito ang suot na sandals at tumakbo sa loob.
"Hey! Ingat ka baka madapa ka." Saway niya dito pero hindi ito nakinig sa kanya.
Naupo si Marzena sa sofa at saka hinubad ang heels na suot niya. Naawa siya sa paa niya, pulang pula na ang mga ito. Sana lang ay wag magkasugat ang paa niya dahil nalalapit na ang training nila.
"Llyr maliligo lang ako. Pagkatapos ko ay ikaw naman ang paliliguan ko kaya wag ka na magpawis." Aniya nang makapagpahinga na siya.
"Opo, Ate Marzena," Llyr replied.
She went to the bathroom. When she opened the door, she was shocked. Mas malaki pa ang banyo na ito kaysa sa kuwarto niya sa bahay nila. Nang makabawi siya ay saka lamang siya kumilos. She undressed and went to the shower. Inayos muna niya ang shower bago tumapat doon.
"Ate! Bilisan mo daw po sabi ni Kuya Seam!" Rinig niyang hiyaw ni Llyr sa likod ng pinto.
"Oo." Aniya tsaka binilisan na ang paliligo.
After 30 minutes, she's done. Marzena wears the robe near the sliding door of the shower room. And she wrapped her hair using the towel.
Nang lumabas siya ay na abutan niya si Seam na abalang abala sa isang gilid. Lumapit sa kaniya si Llyr na dala dala ang maliit nitong bathrobe.
Marzena called Seam. "Paliguan ko lang si Llyr." Hindi na niya inantay na sumagot pa ito at pumasok na sila sa banyo.
Mabilis lang din niya pinaliguan ang bata. Kanina pa kasi sila kinakatok ni Seam sa banyo at pinag-aapura.
When she's done bathing Llyr ay lumabas na sila at nilapitan si Seam na tarantang taranta na.
"Bilis girl. Kulang na tayo sa oras, aayusan pa kita at si baby Llyr." Ani Seam at saka siya pina-upo sa silya.
After 2 hours, tapos na sila ayusan ni Seam from hair and make up to her gown. And now Marzena was wearing a two-piece round-neck long-sleeve black floral satin. Kitang kita ang likod niya sa suot na dress.
"Seam hindi ba ako lalamigin dahil dito sa suot ko." Aniya habang pinagmamasdan ang likod sa harap ng salamin.
Seam raised his brow. "Ano ka ba hindi 'yan."
Sabay sabay silang napatingin sa pinto nang may kumatok at binuksan iyon.
"We need to go." The Dark Guard says.
Inaalalayan siya ni Seam palabas. Si Llyr naman ay nauuna sa kanila dahil hindi na ito naka gown. Llyr was wearing a pink floral dress. Halata na luma na ang suot ni Llyr, ang sabi ni Seam sa kaniya ay iyon daw ang pinili nang stylist ni Llyr. Kahit gustong palitan ni Seam ang suot ni Llyr ay wala na ito nagawa pa dahil hindi naman ito ang stylist ng bata.
Nang ihatid siya ni Seam ay nakita niya si Kione na mukhang may hinihintay dahil pabalik balik ito naglalakad sa harap ng sasakyan nila. Pinagmasdan niya ang binata naka suot na ito ngayon ng dark blue coat at pants, sa loob naman ng coat nito ay isang black polo. He looked so f*****g damn hot. Idagdag mo pa na he's also wearing a black glasses.
"Ayan na ang prinsipe mo," Seam whispered near Marzena's ears.
Nang tingnan ni Marzena kay Kione ay nakita niyang palapit na ito sa kanila. Dumilim na naman ang tingin nito kay Seam. Ano ba problema nito kay Seam at ganito na lang nito tingnan ang kaibigan niya?
"You!" Anito kay Seam. "I already told you. Don't. Touch. Her." May diin na sabi nito saka siya hinapit papalapit. "You didn't listen to me?!"
Marzena was distracted when she smelled his manly scent. Bakit ang bango-bango nito, nakaka-addict tuloy ang amoy nito. Patagong inamoy amoy muna niya ito bago marahan na itulak palayo sa katawan niya kahit na gusto man niya na lagi siyang nasa bisig nito. Sobrang lapit kasi nila baka mamaya ay may ibang tao pa na makakita sa kanila at isipan sila nang masama. At isa pa di'ba nga ay iiwasan na niya ito pero dahil sa marupok siya ay eto na naman siya sa bisig nito.
"Bye, Seam." She said goodbye before walking to the car. Ramdam niya ang pagsunod nang tingin ng lalaki sa kaniya. Gusto man niya bumalik sa mga bisig nito at amuyin ito ay pinigilan niya ang sarili niya.
"Ate, bakit mo iniiwasan si Sir Kione?" Llyr asked me.
So napapansin pala nito ang ginagawang pag iwas niya sa lalaki. Pumantay siya dito at tinapik ang ulo.
"I'm not." Aniya at ngumiti. Laking pasalamat niya nang hindi na ulit nagtanong pa si Llyr sa kaniya dahil baka sa susunod na tanong nito sa kanya ay hindi na niya alam ang isasagot niya.
Tumuloy na sila sa paglakad at umakyat sa likod nang sasakyan. Inabot ng isa sa mga Dark Guards na kasama nila ang kamay niya para tulungan siya sa pag-akyat.
Pero hindi pa man siya tuluyan nakaka-akyat ay may humawak na sa baywang niya at walang kahirap hirap na binuhat siya upang maka-akyat siya.
Marzena was so shocked because of the sudden action. When she looked at her back to find out who did that- of course it was Kione, again.
Halip na singhalan niya ito dahil sa biglang ginawa nito ay tumalikod na lang siya at naupo. Damn! Konti na lang ay susuko na siya sa plano niya. Hindi man niya aminin sa sarili niya ay alam niyang hindi niya kayang iwasan ang lalaki. Malabo pa iyon sa malabo.
"Hey.." Kione said on her side but she stayed silent.
Silence. Silence is her favorite thing today. Mapigilan sana nito ang pagiging marupok niya. Shuta!
Marzena can hear Kione breathing hard. He looked mad. And Marzena knew the reason very well because it's her who made him that mad.
Oh, God!