Chapter 6

1442 Words
Chapter 6 "What the f**k is that?" Allerick asked, confused. Itinuturo pa nito ang mga nasa harap. Seam laughed when he see Allerick reaction. Well, sino ba ang hindi matatawa dahil para itong bata na nawawala at gulat na gulat. "That's the Airo 1701, the most upgraded version of a helicopter." Wow. So the Council already has that. Technologies... Marzena already saw a helicopter once, but she never had an opportunity to ride one. This Airo 1701 is like a combination of a helicopter and an airship, Marzena thinks that because of its look. Or maybe not. She's just overthinking. Lumapit sila sa isang Airo 1701 sa gilid nang sasakyan ay may limang nakatayo at nakasuot ng isang maroon na parang uniform. I guess. Dahil magkakamukha ang mga disenyo ng mga suot nito at may nakasulat sa may taas ng kaliwang dibdib na letter M at sa baba niyon ay may isang logo na may shield, two sword at sa harap ng shield ay isang dragon head. Walang iba kung hindi ang logo ng Mordecai ang Dragon Shield. Nang makarating kami sa harap ng mga ito ay nakipag kamay si Mazu. "Welcome to Mandala. I'm Captain Lynx the Captain of this Airo 1701 and this is my team. Kami ang maghahatid sa inyo sa Mordecai," anito. Nakipagkamay ito sa kanila kaya naman tinanggap nila iyon. Pinagmasdan niya ang naturang kapitan. May kulay abo itong buhok at kulay kahel na mga mata, matangos din ang ilong nito. Malaki din ang katawan ng kapitan pero hindi naman pangit tingnan sa katunayan nga ay bumagay lang dito ang laki ng katawan nito. Umiwas ng tingin si Marzena nang lumingon sa kanyang gawi si Captain Lynx. God! Muntik na siyang mahuli. Sunod na nagpakilala ang kasama nito. Una ang babae na katabi nito na nagpakilala sa pangalang Alea ang Co-Captain, sunod naman ay ang lalaki na si Corbyn, at ang kambal na sina Kenly at Carly. Iginaya sila ni Captain Lynx sa loob ng ship. Yes, she calls this thing a ship because when they enter this thing the interior looks more like an airship more than a helicopter. Dinala silang lima sa loob ng isang malawak na silid. Kulay maroon ang theme nito. Anong meron sa mayroon at puro ganoong kulay ang nakikita ko mula sa suot nina Captain Lynx hanggang sa mga gamit sa Aero 1701. "Dito muna kayo pansamantala habang patungo tayong Mordecai. Kung gusto nyo naman magpahinga ay may silid na nakalaan para sa inyong lima. And if you need food, mayroon din na kusina dito sa loob ng kwarto na to," Ani Carly sa kanila habang may kakaibang ngiti sa labi nito. Ito kasi ang inatasan ni Captain Lynx na magdala sa kanila dito. "Any questions?" "Nothing," saad ni Dane. "You can go now." Marzena can see the tension between these two girls. Mukhang magkakilala ang mga ito. "I'm just asking Dane," anito habang nakangisi. And she's right. Hindi naman sila nagpakilala kanina kaya paano ito nalaman ang pangalan ni Dane. Ibig sabihin lang nito ay magkakilala talaga ang dalawa. Tahimik lamang na pinapanood ni Marzena ang dalawa na nagpapalitan ng matatalim na titig sa isa't isa. Hindi sumagot si Dane kaya naman umalis na si Carly. Marzena doesn't like Carly when the first time she saw her. Hindi ni Marzena maintindihan ang sarili kung bakit pero iba talaga ang pakiramdam niya sa babae ng makita niya ito. Like Carly was planning something for them. Something bad, exactly. Sana lang ay mali ang hinala niya. "Who's that girl? Magkaibigan ba kayo?" Seam asked Dane. "Mas pipiliin ko pa na mamatay kaysa ang maging kaibigan ang traydor na 'yon!" galit na sagot nito sa kanila ni Seam. Pagkatapos nito sabihin iyon ay mabilis itong pumasok sa unang pinto. "Maybe may nangyari hindi maganda sa dalawang babae na iyon. I know Dane hindi ito agad agad na nagagalit kung wala itong malalim na dahilan," ani Seam at saka umupo sa maroon na sofa. Naupo siya sa katabing sofa nito. "Matagal na ba kayong magkakilala ni Dane?" tanong niya dito. Seam nodded. "Yes. Isang taon na din kami magkasama ni Dane. Actually nagkakilala kami last year, matagal nang nagtatrabaho si Dane sa Mordecai bilang isang trainer pero galing din siyang Ellesmere si Mazu ang nagpasok kay Dane sa Mordecai. Sa pagkakaalam ko nga 13 years old pa lang si Dane nung ipasok siya ni Mazu," kuwento nito sa kanya. Tahimik lang si Allerick na nakikinig sa kanila. "How did you met Mazu?" Marzena asked. "And why did you choose to be like this? I mean wag mo sana masamain bakit mo pinili na maging ganito para lang ipakita sa lahat ang tunay na ikaw?" He laughs. "Well, I badly wanted to show them the real me. Ayaw ko na magpanggap tapos hindi naman ako masaya doon. At least dito kahit na mahirap man ang ginagawa ko alam ko sa sarili ko na gusto ko ito. Na nilalabas ko ang gusto kong iparating. And I know that I'm not the only one who likes this. Alam ko na marami akong kalahi na unicorn/ rainbow na natatakot ipakita ang totoong sila dahil natatakot sila sa nakakataas. I mean the lesbian, gay, bisexual, trans, basta alam mo na iyon." He's right. Naalala niya ang kaibigan na si Naullan, natatakot ito na ipakita ang totoong katauhan dahil sa maaaring kaparusahan na matatanggap nito mula sa Council at lalo na ang mga masasakit na salita na tinatanggap nito sa mula sa mga tao. Hindi naman kasi lahat ay tanggap ang ganitong klase ng kasarian dahil sa iba ay dalawa lang ang dapat na gender ng tao which is male and female. Why they can't accept those people who are lesbian, gay, trans, etc. Wala naman ginagawa na masama ang mga ito para pigilan nila ang gusto nila. Society... Government... People... The way they think... It totally sucks... Ikukuwento na sana niya ang tungkol sa kaibigan nang marahas na bumukas ang pinto. Pumasok mula doon si Mazu, halata sa mukha nito ang pinaghalong inis, takot, at galit. Halo halong emosyon ang makikita mo sa magandang mukha nito ni hindi mo na rin makikita sa mukha nito ang pagiging kalmado nito. Anong problema? Bakit galit si Mazu at natatakot at the same time? "We have a problem!" Mazu announced. Agad na tumayo si Seam. "Tatawagin ko si Dane," sambit nito at agad na pinuntahan ang kwarto ni Dane. Nanghihina na napaupo si Mazu sa sofa. Rinig niya ang mahihinang mura na lumalabas galing sa bibig nito. "Are you okay?" tanong ni Allerick sa babae. Oh.. nandito pa pala ito. Akala kasi niya ay umalis na ito kanina pa kasi ito hindi nagsasalita, ni hindi rin ito sumasali sa usapan nila kanina ni Seam. Para ba na umiiwas ito sa kanila o mas tamang sabihin na umiiwas talaga ito. Rinig niya ang yabag ng mga sapatos nina Dane at Seam na tumatakbo papunta sa gawi nila. "Mazu. What's the problem?" Dane asked nang makarating ito sa harap nila. "Ward 13 and 16, they both out of Duellum. Nagkakagulo na din sa dalawang Ward kahit sa Mordecai ay may inaayos na gulo," mahinang sabi nito. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Bakit nagkakagulo sa dalawang wards? May nangyari ba na hindi maganda? "f**k!" malakas na mura ni Dane. "Anong ginawa ng Ward 13 at 16?" Seam asked. "Sinugod nila ang Mordecai at ang Council." Pabalik balik na naglakad sa harap nila si Dane. "Anong nangyayari? Ayos lang ba ang dalawang ward?" Aniya. Dane looked at her. "We're in danger. Kung nawala na sa laro ang dalawang ward ibig sabihin ay maaaring kayong lahat ng galing sa mababang ward ang target-in ng pitong matataas na wards. Hindi ba nag-iisip ang Ward 13 at 16?!" asar na sabi nito. "Alam nila na ikakapahamak nila ang ginawa nila pero ginagawa parin nila!!" Mazu sighed. "Hindi mo sila masisisi. Ang napili sa ward 13 ay isang tatlong taon gulang at isang dalaga na nasa labing walong taon gulang na mayroong kapansanan. Hindi pumayag ang mga taga ward 13 kaya nang gulo sila sa Mordecai." Damn. Anong magagawa ng tatlong taong gulang na bata sa isang p*****n? "Naiintindihan ko na," ani Dane at saka bumuntong hininga. "Masyado na talagang masama ang Council. Sorry, Mazu pero hindi ko talaga makaya ang mga ginagawa ng nakakataas sa mga tao." "I know. Kahit din naman ako hindi ko maatim na isali ang ganitong kaliit na bata para lang sa kasiyahan." Marzena glanced at them. "What should we do now?" Nagkatinginan silang lima na para bang nagkakaintindihan silang lahat gamit lang ang mga titig nila. "Train you both. Until you pass out."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD