Doon ay nabaling mata niya at sa di kalayuan ay nakitang nakatayo ang kapatid. Naka-body fit ito ng gown kaya kita ang may kaumbukan na tiyan na maliit pa iyon pero halatang buntis ito. Nakangiti ito sa kaniya. Dahilan upang tuluyang malaglag ang luhang kanina pa pilit na pinipigilan. Kasabay ng pagtugtog ng kaniyang pinakapaborito niya ay ang paghakbang nila ni Terrence tungo sa panilang panghabang-buhay. Naging maayos ang lahat. Ang seremonyas ng kasal ay sadyang napakabilis na halos hindi namalayan ni Grace. Hanggang sa maramdaman na lamang niya ang paggagap ni Terrence sa kaniyang kamay. "I take you to be my partner for life,I promise above all else to live in truth with you. And to communicate fully and fearlessly,I give you my hand and my hear