Matapos umalis ang mga ito ay agad na nagtext kay Grace upang ipaalam na susunduin niya ang mga ito. Wala siyang nakuhang reply buhat rito kaya tinawagan na niya ito. Excited siyang ipakilala ang mag-ina sa magulang na batid na nasabik sa kaniyang anak. Siya man ay nasasabik na muling makasama ang mag-ina. Kung hindi lang hiniling ni Grace na doon na muna ang mga ito ay iuuwi na niya ang mga ito sa condo niya habang pinapaayos pa sa interior designer ang bahay na ibibigay sana rito. Kabado si Grace habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe ni Terrence sa kaniya. Saktong kauuwi pa lamang niya. 'Grace, be prepare. I will pick you up with Divine later for dinner at my parent house. They're expecting us. They wanna meet you with our daughter.' Paulit-ulit n