MATAPOS KUMANTA ang mga ito ay agad na nag-bow sa mga naroroon kasabay ng masigabong palakpakan ng mga ito. "I love you mommy.." sabayang turan ng mga ito saka ito lumapit sa kanila. Yumukod siya sa mga ito saka siya hinalikan sa magkabilaang pisngi niya. "Friends, relatives and colleagues. I want you to meet my daughters Tatiana and Nicole." Masayang pakilala ni Travis. Nagsaya ang ilan habang ang mga kaibigan ay bakas sa kanila ang gulat. Naiiyak na natatawa si Nikka dahil para siyang beauty queen sa kaniyang kinatatayuan. May bouquet of flowers na hawak at si Travis ang emcee. Kulang na lang ay sash dahil kahit wala siyang visible na korona at that time batid niyang nasa kaniya ang korona sa pagkakataong iyon at panalo siya. Sa lalaking pinandigan sa kabila ng lahat ng pagsubok sa ka