NAIBABA NA NIYA ang tawag ng papa ni Aprille pero hindi pa rin siya makagalaw para bumalik sa kinaroroonan ng kausap na organizer. Natitigilan at hindi makapaniwala sa nalaman. Nang makahuma ay bumalik sa babaeng kausap at bakas sa mukha ang pag-aalala ng makita siya nito. "Are you okay Mr. Elizarte?" Pormal na tanong nito. "I'm sorry Miss Weng, can we reschedule. Sorry for messing your time. Don't worry I'll write you a cheque. Its half of the expenses. I'll call you," aniya rito at agad na binigay rito ang sinulatang cheque. Nakamaang lang na nakatingin sa inabot ang babae. "Okay Mr. Elizarte. Just give me a call if you finally decide. Thanks again." Turan ng babae. Agad na umuwi at nakitang abala si Nikka sa kusina kasama si Rose. Nabigla pa ito nang makita siya. "Are you okay hon