NABIGLA SI TRAVIS nang makilala ang babaeng makakasalubong habang abala ito sa hawak na dalawang bata at nasa tainga ang cellphone nito. "Ha! Bakit? Saglit....nandito na ba kayo. Sandali at pupuntahan ko kayo.." mabilis na hila sa mga batang hawak nito. Hindi siya napansin nito, hahayaan na sana pero nang muling marinig ang tinig nito ay narinig ang pangalang binanggit nito. "Hello Nikka, saan kanyo banda?" Tanong nito. "Est-ce que ça va?" Pagtatanong ni Aprille nang mapansin nitong napahinto siya. Agad niyang tinignan ang paroroonan ng babaeng nakasalubong. Bumilis ang kabog ng dibdib nang makita si Nikka kasama ang anak at si Rose. Napatingin din si Aprille sa tinitignan niya. "Is she?" Tanong nito. Halata sa hitsura ni Nikka na umiiyak ito. Hindi pa sila napansin ng mga ito at nakit