Nanggagatog ang mga tuhod ni Fauleen habang papasok ng opisina ni Lincoln. Napalunok pa siya nang marinig niya ang pagsarado ng pinto sa kanyang likuran. Kahit na sobrang lamig ng aircon ay ramdam na ramdam niya ang pamamawis ng kanyang kili-kili. Lumunok ulit siya at tiningnan na rin sa wakas ang lalaking nakaupo sa swivel chair ilang metro ang layo sa kanya. It was a big office, parang mas malaki pa nga yata sa opisina ng daddy niya sa bahay nila. The interior screams minimalist design. And by just looking at the paintings on the wall, alam niyang mamahalin at hindi basta-basta ang mga iyon. Isang dark gray na swivel chair ang inuupuan ni Lincoln. Sa harapan nito ang isang putting lamesa na may nakapatong na isang Macbook. Sa bandang kaliwa pa nito ay may isang apple monitor. May da

